TRUCK BUMALIKTAD 1 PATAY, 3 SUGATAN DAHIL SA ZERO VISIBILITY SA ASHFALL

accident12

CALAMBA City – Patay ang isang driver habang tatlo ang sugatan makaraang bumaliktad ang isang truck sa lungsod na ito  nitong Lunes ng madaling araw nang suungin ang zero visibility  na highway bunsod ng ash fall dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.

Binawian ng buhay bunsod nang pagkakaipit sa kanyang truck ang biktimang si Gilbert Briones, resi-dente ng Sto. Tomas, Batangas.

Habang sugatan naman ang tatlo pang sakay ng truck kabilang ang mga pahinanteng sina Jovin Daen at Reymar Daen at ang misis ng biktima na si Charity Flores.

Batay sa report ng Calamba City police, patungo sa direksyon ng Maynila ang truck nang bumaligtad ito sa kurbadang highway sa Barangay Paciano Rizal dakong ala-una ng madaling araw.

Ayon sa mga imbestigador, madulas ang kalsada dahil sa ash fall mula sa bulkang Taal.

Posiblen rin umanong hindi napansin ng driver ang kurbada dahil madilim ng paligid na noon ay halos zero visibility sa Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment