TRIKE DRIVER BINARIL; LASING NA PULIS HULI

arested12

(NI KNOTS ALFORTE)

ISANG tricycle driver ang binaril ng umano’y pasaherong pulis habang nagmamaneho sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si John Paul Obar, 20, ng Olalia Ave. Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista, mula kay Antipolo City Chief of Police P/Lt.Col Villaflor Bannawagan, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Biyernes, minamaneho ni Obar ang kanyang tricycle para ihatid ang kanyang pasahero mula Assumption Hospital patungong Cogeo ng lalaking nagpakilalang pulis at lasing na lasing.

Sa hindi pa batid na dahilan, bigla na lamang umanong bumunot ng baril at derektang ipinutok sa kanya ng suspect ang baril. Mabuti na lamang umano at hindi tinamaan ang driver na agad nakatakbo para humingi ng tulong.

Saktong nagpapatrolya ang mga PNP Antipolo sa lugar kaya mabilis na nahuli ang suspek na lasing.

Kinilala itong si Police Corporal Jay Mar Espiritu, 32, kasalukuyang nakatalaga sa Camp Karingal, Quezon City.

Nakuha naman ang baril na ginamit na Glock 17.

Nakakulong sa Antipolo jail ang suspect at inihahanda ang posibleng kasong kakaharapin.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment