TRANSFORMER PINASABOG; BILANGAN NAANTALA SA ZAMBO DEL SUR

zamboangadel sur12

(NI JG TUMBADO)

PINUNTIRYA ng isang armadong grupo ang transformer ng munisipyo ng Dimataling, Zamboanga Del Sur, dahilan para mabulabog at pansamantalang tumigil ang bilangan ng boto nitong gabi ng Huwebes.

Nabatid kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO9) na naantala ang canvassing ng boto sa loob ng Dimataling municipal hall sa Purok 5, Barangay Kagawasan.

Alas-7:00 ng gabi nang atakihin ng armadong grupo ang munisipyo at pagbabarilin ang transformer nito na siyang dahilan ng pagkakaroon ng sandaling brownout sa lugar gayundin ang pagpa-panic ng mga taong nasa paligid at loob ng munisipyo.

Agad naman tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Barangay Sugbay Uno.

Narekober sa lugar ang 23 basyo ng bala at isang pares ng sapatos.

Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang armadong grupo.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment