TRAHEDYA SA HONEYMOON

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

NAUWI sa trahedya ang sana’y nasa honeymoon pa ang kakakasal lamang na mag-asawa matapos salpukin ng tricycle ang kanilang sinasakyan motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bacolod City.

Kinilala ang namatay na si Julius Mata, seaman, at misis nito si Jackilyn Mata, nurse, at kapwa residente ng Brgy. Mabini sa bayan ng Escalante City, Negros Occidental.

Hawak naman ng pulisya ng suspek at driver ng tricycle na kinilalang si Archer Villaran, kawani ng munisipyo sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Escalante Police Station, naganap ang insidnete sa Brgy. Jonob-jonob, habang binabaybay ng mag-asawa ang lugar pauwi sa kanilang bahay sakay ng motorsiklo.

Dito, bigla na lamang nag-overtake ang tricycle na minamaneho ni Villaran, at sa bilis ng pangyayari ay nabangga nito ang motorsiklo ng mag-asawa.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon si Julius sa kalsada at nagbagok ang ulo nito na agad niyang ikinamatay.

Dinala naman sa ospital ang misis para lapatan ng lunas at sugatan din si Villaran.

Nabatid, na bagong kasal lamang ang mag-asawa.

Posible naman maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physicial injuries at damage to property ang suspek.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment