TRAFFIC ENFORCER NIRATRAT SA HIGHWAY

CAGAYAN de Oro City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang traffic enforcer sa Barangay Puerto sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulis ang suspek na si Mark Langam IV ng Roads and Traffic Administration (RTA) ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sa tabi ng highway ang biktima kasama ang isa pang traffic enforcer nang biglang siyang barilin.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Sa ospital ay nalagutan ng hininga ang biktima sanhi ng dalawang tama ng bala sa tagiliran.

Sinabi naman ng katrabaho ni Langam, kabilang ang biktima sa composite road clearing team na nagsagawa ng operasyon malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Hinala ng RTA assistant head na si Nonito Oclarit, posibleng may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang sa biktima. (KIKO CUETO)

 

Related posts

Leave a Comment