TOP 2 MOST WANTED TIMBOG SA MANHUNT

KULONG-2

BULACAN – Makaraan ang mahigit dalawang taong pagtatago, nadakip sa manhunt operation ng mga awtoridad ang isang murder suspect na top 2 most wanted person, sa kanyang pinagtataguan sa  Barangay Loma de Gato, bayan ng Marilao sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Base sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Danny Icleo y Camposano alyas “Danny Putol”, na ranked number 4 din sa MWP ng Marilao PNP Lambat Sibat Target III.

Nakakulong na ang suspek matapos makorner ng mga awtoridad sa kanyang tinitirhan nang muling bumalik sa lugar matapos magtago nang mahigit dalawang taon.

Napag-alaman, nagsagawa ng manhunt operation ang Marilao PNP, sa ilalim ng overall supervision ni P/Lt. Col. Amado Mendoza Jr., makaraang makatanggap ng impormasyon na positibong nasa Looban 2, Barangay Loma de Gato ang suspek na si Icleo.

Agad tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar, bitbit ang warrant of arrest, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Napag-alaman, si Icleo ay sangkot sa pamamaril sa Gumafelix Compound, Looban 2, Barangay Loma de Gato, Marilao at kanilang napatay ang biktimang si Joseph Tumbaga sa insidenteng noong Disyembre 31, 2018. (GINA BORLONGAN)

 

Related posts

Leave a Comment