TAXI NILAMON NG LUPA

cab321

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY– Nilamon ng lupa ang isang taxi habang dumaraan sa Diversion Road sa Barangay Ma-a sa lungsod na ito sa kasagsagan ng ulan, Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ni James Babao, nagulat na lang siya nang biglang natabunan ang kanyang taxi.
Kwento pa ni Babao, natakot sila sa nasaksihan at hindi agad na nakaatras dahil na rin sa mga sasakyan na kasunod nila sa likod.

“Na-stuck ako kasi yung paa ko, hindi ko na maapakan ang brake kasi takot na ako. Nabigla ako eh. Nanginginig na ang tuhod ko. Natagalan pa akong kumilos. May tumalsik na tubig sa gilid ng taxi. Napasigaw na kami lahat.

Bumulwak na yung lupa, may kasamang kahoy,” sabi ni Babao.

Tinulungan si Babao ng Barangay rescue team ng Matina Crossing at pag-rescue ng Central 911 Urban Search and Rescue Team sa pasahero’t driver na na-trap sa loob ng natabunang lupa.

Matagumpay naman silang nailigtas.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Diversion Road na apektado ng landslide habang patuloy ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment