TATAY GINILITAN NG ANAK 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

INUNAHAN na ng isang anak, bago pa man siya mapatay ng kanyang ama, matapos niyang bagsakan ng bato at gilitan sa leeg ang kanyang tatay habang natutulog, iniulat kaninang umaga sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Fernando Bulaga Mercado, 54, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Robert Cabrera Mercado, 24, kapwa residente ng Sitio Tambulian, Barangay Malim, Tabina, Zamboanga del Sur.

Batay sa report ng Tabina Police Station, himbing na natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang bagsakan ito ng malaking bato sa ulo ng anak saka ginilitan sa leeg na agad nitong ikinamatay.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente, lasing na umuwi ang matandang Mercado sa kanilang bahay at pinagbantaan ang anak (suspek) na papatayin at tinutukan niya ito ng airgun.

Pagkatapos ay natulog na ang biktima. Dito na isinakatuparan ng suspek ang pagpatay sa ama.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

 

Related posts

Leave a Comment