TATAY BINARIL SA HARAP NG ANAK

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang haligi ng tahanan nang paslangin ng dalawang gunmen sa harap mismo ng kanyang anak sa isang mababang Paaralan sa Barangay Silik sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Elmer Amahan Baclayon, 27, magsasaka at residente ng Barangay Kolambog ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Corporal Paul Vincent Fulleros, imbestigador ng Pikit PNP, alas-7:00 ng umaga habang inihatid ng biktima ang kanyang anak na lalaki nang biglang lumapit ang dalawang mga suspek at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistol na ginamit sa pamamaril.

Samatala, alas-10:00 naman ng umaga ng Lunes ay isang John Joel Santos, 25, ang binaril naman sa Poblacion sa bayan ng Pikit.

Naglalakad lamang umano ang biktima sa harap ng barangay hall nang barilin ng hindi pa nakilalang gunman.

Nakatakas ang suspek kaya hindi ito napuruhan sa kabila ng ilang beses itong pinagbabaril.

Kapwa iniimbestigahan ang dalawang magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Pikit sa loob ng isang araw.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment