TANOD PATAY, 2 SUGATAN SA AMBUSH

BLOODY BULLET

COTABATO City – Nalagutan ng hininga ang isang barangay tanod habang sugatan ang dalawa pang bik-tma, kabilang ang punong barangay, nang tambangan at pagbabarilin ng hindi kilalang armadong mga suspek, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang napatay na si Kunti Kadatuan Solaiman, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), habang sugatan sina Brgy. Chairman Kutin Idtug, 67-anyos, isa ring MNLF political affairs officer, at Antonio Saban.

Batay sa report ng Matalam Police Station, nangyari ang insidente sa plantasyon ng tubo sa Brgy. Mar-bel, Matalam Cotabato.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng multicab ng barangay na minamaneho ni Solaim-an, galing sa palengke.

Pabalik na ang mga biktima sa nasabing barangay ngunit pagsapit sa naturang lugar ay hinarang sila ng mga suspek na armado ng M14, M16 at carbine rifles.

Pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga biktima na agad ikinamatay ni Solaiman habang nasugatan ang dalawang kasama.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Samatala, inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng mga suspek sa pananambang. (ANNIE PINEDA)

Related posts