SUV VS MOTORSIKLO: 9 SUGATAN

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur– Dalawang drayber at pitong pasahero ang sugatan sa banggaan ng isang sports utility vehicle (SUV) at motorsiklo sa Magsaysay- Bansalan Provincial Road sa Brgy Dalawinon, Magsaysay, Davao del Sur, alas 6:40 ng umaga, Martes, December 10, 2019.

Ayon sa ulat ng Magsaysay Police Station, isang sports utility vehicle (SUV) Ford Everest na may plate number ZLU 972, kulay silver na minamaneho ni Mark Aton Tilap, residente sa Brgy. Poblacion.

Wala umanong lisensya na minaneho nito ang SUV habang sakay sina Marsha Tilap, 30; Adrea Aton, babae, 11; James Tilap, 13; Gina Aton, 50; Dwaine Mark Tilap, isang taon; at Annamae Gillarte, 32, ng Brgy. Poblacion.

Habang ang isang motorsiklo na may pangalangang motoposh ay minamaneho ni Victorino Regala Pajel,  43, at sakay ang anak na si Melvin Pajel, 16-anyos, residente sa Brgy. New Ilocos ng lugar.

Sa imbestigasyon ni Police Master Sgt. Ramil Locostales, traffic in-charge, ang nasabing motorsiklo ay naglalakbay galing Magsaysay Davao del Sur papuntang Bansalan Davao del Sur samantala ang Ford Everest naman ay galing sa Bansalan Davao del Sur papuntang Magsaysay Davao del Sur ng biglang nagpalit ng direksiyon ang Ford Everest na naging dahilan upang masalpok ang motorsiklo at dumeretso sa isang puno.

Nagtamo ng grabeng pinsala ang mga biktima. Agad dinala sa Viacrusis Hospital, sa Bansalan Davao del Sur para magamot ang mga biktima kung saan kritikal ang dalawang drayber.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment