SUSPEK SA RAPE-SLAY SA BATANG PWD 63-ANYOS NANLABAN PATAY

RAPE-7

QUEZON – Patay ang isang lalaking suspek sa paghalay at pagpatay sa isang batang babaeng may kapansanan, matapos umanong manlaban sa aarestong mga pulis sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ng Tagkawayan police ang napatay na suspek na si Mauro Gravamen Cargar, 63-anyos, residente ng Barangay  Ilayang Alsam, Tayabas.

Si Cargar ang suspek sa rape-slay sa batang si Kaycee Sabornido Oabel, 10-anyos, residente ng Barangay Ilayang Alsam.

Batay sa report, ang suspek ay aarestuhin ng mga tauhan ng Tagkawayan police  sa pinagtataguan nitong kubo  sa Barangay   Aldavoc ngunit nagmatigas sa kabila nang pagkumbinsi ng mga awtoridad  na sumuko.

Tinangka pa nitong hagisan ng granada ang mga aaresto kaya binaril ito ng mga pulis na agad nitong ikinamatay.

Ang suspek ay natunton ng mga awtoridad matapos na umalis sa Tayabas City pagkatapos gahasain at patayin ang biktima noong nakaraang Biyernes, Pebrero 19.

Ang biktimang si Oabel, batang may autism, ay natagpuang patay sa masukal na lugar sa itaas ng burol sa Barangay Ilayang Alsam, Tayabas City makaraang sampung araw na mawala.

Sa imbestigasyon ng Tayabas police, natuklasan na ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay sa sakal at palo ng matigas na bagay sa ulo.

Naging ‘person of interest’ si Cargar sa kaso nang magtago  matapos ang krimen. (NILOU DEL CARMEN)

 

Related posts

Leave a Comment