SUNDALONG NAKALIGTAS SA GIYERA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO)

ISANG sundalo na pauwi para sa bakasyon ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay, araw ng Huwebes.

Dead on the spot ang biktima na si Sergeant Enerio Sergio Soriano, 34,  nakatalaga sa 18th Infantry Battalion na nakabase sa Basilan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isa pang motorsiklo na kasalubong nito sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Aguinaldo dakong alas-7:00 ng umaga.

Sa lakas umano ng banggaan ng dalawa ay kapwa tumilapon ang mga ito ng ilang metro mula sa pinagmulan ng aksidente.

Nasa malubha naman ang kondisyon ng kabanggaan ni Soriano na si Villapna Barong, 63, na patuloy na inoobserbahan sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital sa bayan ng Ipil.

Ayon naman kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office, pauwi sana si Soriano sa kanilang lugar sa Barangay Kagawasan sa Pagadian City upang magbakasyon mula sa pakikipag giyera nito sa mga teroristang Abu Sayyaf.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment