SUNDALO NABIKTIMA NG INVESTMENT SCAM, NAG-SUICIDE 

suicide16

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa malaking halagang pagkakautang, nagawa umanong tapusin ang sariling buhay ng isang kasapi ng Philippine Army (PA) sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, iniulat nitong Miyerkoles sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Army Technical Sgt Rogelio Asuncion, 43, miyembro ng 4th ID, Philippine Army , tubong Negros Occidental ng Western Visayas, at naka-assign sa Camp Edilberto Evangelista, Barangay Patag, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang biktima sa loob ng nasabing kampo na naliligo sa sariling dugo at may tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa dibdib.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, duda noong una na posibleng aksidente lamang nakalabit ng biktima ang kanyang baril habang nililinis.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon, problemado umano si Asuncion sa kanyang mga kasamahan na mabayaran ang higit sa P300,000 halaga na kanyang kinolekta at na-invest umano sa KAPA.

Para mabayaran ang mga kasamahan , sinubukan umanong mag-loan ng biktima sa AFPSLAI pero hindi umano ito naaprubahan.

Nabatid na 23-taon na sa serbisyo si Asuncion.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment