SUNDALO NABARIL NG LIVE-IN PARTNER SA MOTEL

(NI JESSE KABEL)

PATULOY na inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa pagbaril at pagkamatay ng isang aktibong sundalo ng kanyang kinakasama sa loob ng motel sa Catbalogan, Samar.

Sa ulat ng Catbalogan City PNP masusi nilang ini-imbestigahan ang pagkasawi ng 31 anyos na si  PFC Carmelo Batocoy Jr. na umano’y aksidenteng nabaril ng kanyang kinakasama sa loob ng motel.

Si Batocoy ay kasalukuyang nakadestino sa 8th Infantry Division ng Philippine Army bilang miyembro ng kanilang banda.

Ayon sa report na hawak ng Samar Police Provincial Office, nag-check in sa naturang motel ang sundalo kasama ang kanyang live-in partner nang biglang magkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa.

Nakuha umano ng babae ang baril ng biktima at sa gitna ng pagtatalo ay nakalabit nito ang gatilyo at tinamaan ang biktima.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment