SUICIDE SA MOTEL: 19-ANYOS BINARIL NG 65-ANYOS BF

motel

CEBU CITY – Naniniwala ang Waterfront Police Station ng Cebu City Police Office na nagpakamatay ang mag-nobyo na nakitang duguan sa loob ng motel sa siyudad na ito.

Kinakatok ang kwarto ng magnobyo edad 65-anyos na si Ely Malagum, ng Talisay City  at 19-anyos na si Danica Rose Erolya, ng Barangay Suba, Cebu City, ngunit walang sumasagot matapos mag-check in ang mga ito sa isang motel sa Manalala St. kahapon ng tanghali.

Ito na ang dahilan para pwersahan nang buksan ang pinto at tumambad ang duguang katawan ng mga biktima. Hawak pa ni Malagum ang baril na ginamit sa suicide. Walang foul play na nakita sa mga biktima. Sinabi ng mga imbestigador na posibleng pinatulog muna ni Malagum ang nobya bago binaril sa ulo at pagkatapos ay nagpakamatay din ito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment