STUDENT TAKOT MAKULONG, NAGBIGTI 

(NI ANNIE PINEDA)

SA takot na makulong matapos ireklamo ng paglamas ng didbib sa isang babae, minabuti na lamang tapusin ang sariling buhay ng binata sa pamamagitan ng pagbigti, sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Jovannie Abuhan, 18 anyos, Grade 8 student sa Macabalan National High School at residente ng Parola, Barangay Macabalan.

Batay sa report ng Macabalan Police Station, bandang alas 9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang pisi na pantali sa manok.

Nadiskubre rin sa silid ng biktima ang suicide note na nakasaad “Sorry Ante Sharon, gibuhat nako ni” (Pasensiya na Tita ginawa ko ‘to.)

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente inireklamo si Abuhan ng isang babae sa kanilang lugar na hindi pinangalanan dahil sa pagdakma at nilamas ang dibdib nito at iba pang parte ng katawan.

Posible umanong natakot ang biktima na makulong kaya nagawa na lamang niyang magpakamatay.

Nabatid, na ulila na ang biktima sa mga magulang at inampon na ito ng kanyang tiyahin simula 9-anyos pa lamang.

 

 

Related posts

Leave a Comment