SINITA SA KINUPIT NA P100; BINATILYO NAGBIGTI

(NI ANNIE PINEDA)

WINAKASAN ng isang binatilyo ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, dahil lamang sa halagang P100 na kinupit nito sa kanilang tindahan, iniulat sa lalawigan ng Cagayan.

Nakabigti at wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 17-anyos na binatilyo na hindi pinangalanan, at residente ng Barangay Natappian West, Solana, Cagayan.

Batay sa report ng Solana Police Station, dakong alas 6:00 ng umaga noong Martes nang matagpuan ng kanyang pinsan ang biktima na nakabigti gamit ang nylon sa loob ng bahay ng kanyang lolo sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente nahuli ng kanyang ina ang biktima na kumuha ng P100 sa kanilang tindahan, dahilan para pagalitan ito ng ina.

Dahil dito, tinalikuran ng biktima ang kanyang ina saka nagbantang magbibigti.

Hindi naman inakala ng ina ng totohanin ng banta ng anak hanggang sa nakita na lamang itong patay .

Related posts

Leave a Comment