SHABU SESSION SA SELDA

shabu

(NI JG TUMBADO)

TATLONG preso ang naaktuhang bumabatak ng ilegal na drogang shabu sa loob mismo ng bilangguan sa Lipa City Jail.

Nangyari ito habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng bilangguan matapos makatanggap ng ulat  na may drug session na nangyayari sa loob ng male dormitory.

Nang madatnan ay nakuhanan ang tatlong inmate ng iba’t ibang drug paraphernalia. Ang tatlo ay nakakulong dahil din sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Dahil dito muling mahaharap ang mga preso sa panibagong kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Iimbestigahan naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung paanong nailusot sa loob ng kulungan ang ilegal na droga.

Related posts

Leave a Comment