SHABU SA DRIVER’S LICENSE BUKING, RIDER KULONG

(NI SIGFRED ADSUARA)

BUKING ang nakatagong shabu sa driver’s license ng isang 41-anyos na  motorcycle rider na naunang sinita dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet nang malaglag ang sachet ng shabu sa kanyang lisensiya  sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Choody Cruz, ng 16 Medicion 2B, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-3:00 Martes ng hapon nang parahin ng Bacoor City police  ang minamanehong motorisklo ng suspek habang binabagtas ang kahabaan ng Tirona Highway, Brgy Habay 2, Bacoor City Cavite dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.

Nang sitahin ito, iniabot ang kanyang lisensiya sa awtoridad nang nahulog ang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.8 gramo na may street value na P800, dahilan upang arestuhin ito.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment