SEX, SHABU ALOK NG BEBOT SA CUSTOMER

arrestwomen12

(NI ROSS CORTEZ)

HINDI nag-aksaya ng oras ang mga operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Branch at agad nilusob ang room 21 ng isang motel sa Barangay Talaba 7 sa lungsod ng Bacoor, Cavite, ala-1:00 ng madaling araw ng Sabado.

Arestado ang pangunahing suspek na si Jocelyn Martinez, Ashly, 27, na nakacheck-in sa nasabing motel room kasama ang poseur-buyer na ipinain ng mga operatiba sa kanya.

Sa planadong buy-bust operation laban sa suspek na kilalang tulak ng droga at nagbebenta ng panandaliang aliw, napagkasunduan na magchecheck-in sila ng umaktong poseur-buyer

Habang hinihintay ang isa pang drug suspect na si Jayson Alejandro, 18, na magdadala ng shabu na ibebenta ni Ashly sa operatibang poseur-buyer.

Kaya naman nang dumating si Alejandro sa room 21, ibinigay nito ang shabu kay Ashly na ibinenta rin agad sa kasama niyang poseur-buyer sa loob ng kwarto ang shabu kapalit ng P200.

Kaya agad na silang inaresto ng iba pang mga operatiba na nakaabang sa ibaba ng motel

Sa panayam, hindi itinanggi ni Ashly na nagbebenta siya ng droga sa mga nakaka sex niyang customer, habang si Alejandro, itinuturo ang kanyang kuya na siya umanong tulak ng droga at nag-utos sa kanya na ihatid ang shabu kay Ashly sa motel.

Sa kabuuan, nasa 7 gramo ang timbang ng narekober na mga pakete ng shabu, kasama ring nabawi ang P200 buy bust money

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa reklamong paglabag sa RA 9165.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment