SELOSONG EX-LOVER NAPATAY NG GINANG

(NI SIGFRED ADSUARA)

TULUYAN nang tinapos ng isang 34-anyos na negosyanteng ginang ang pagiging seloso ng kanyang dating live-in partner nang barilin at mapatay nito nang  sumugod sa kanilang bahay matapos na pagselosan ang kanyang driver, sa Imus City, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Roderick Linazan, driver  ng Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Ospital ng Imus si Rolly Ayop, 32, may-asawa ng  Green Valley Subd. Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Hawak naman na ng pulisya ang suspek na si Mary Car  Canete, 34, may-asawa, ng B23, L21, Phase 2, Green State subd, Brgy Malagasang 1F, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni SMSgt Ronaldo Orozco ng Imus City Police Station, sumugod umano si Linazan sa bahay ng kanyang dating live-in partner dakong alas-10:10 kamakalawa ng umaga nang nalaman nito na  may lalaki ito saloob.

Kinompronta ni Linazan si Ayop na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang sa  bugbugin siya ng una kaya pumasok ang si Ayop sa loob ng bahay pero sinundan pa rin siya  hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Linazan at sinaksak ito.

Narinig naman ng suspek ang komosyon kaya lumabas ito at nakita ang dalawa kaya bumalik ito ng kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang baril  at kinompronta ang dating live-in partner  at ipinutok ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Si Ayop ay isinugod naman sa ospital ng mga kapitbahay.

Ayon kay report, apat na buwan na umanong hiwalay ang dalawa dahil sa pagiging seloso ng lalaki, bagama’t biniyayaan sila ng isang anak.

Nabatid pa na kapapasok lamang na driver ng suspek si Ayop.

Narekober sa crime scene  ang isang kalibre 45 na baril na inaalam pa kung lisensiyado ito at isang kitchen knife.

Related posts

Leave a Comment