SEAMAN, BEBOT, DINUKOT; 7 ARESTADO

imus12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang pito katao, kabilang ang tatlong babae, matapos na maaresto ng Cavite Police dahil sa pagdukot  sa isang 25-anyos na seaman at kasama nitong babae sa Imus City, Cavite.

Kasong kidnapping, paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang kinakaharap na kaso ng mga naarestong suspek na sina  sina Floyd Ordoñez, 36, ng Zone 1, San Agustine, Dasmariñas City, Cavite, Arwin Varrios , 35,ng  67 Manggos 1, Alfonso, Cavite., Allan Sundiam, 39,  ng 24 Arcontica Village, Dasmariñas City, Cavite,  Mark Angel Andamon, 27 , security guard ng B7, L25, ACM Homes, ANABU, 2 B, Imus Cavite, Cavite, Princess Sarmiento, 23,  ng B56, L10, Golden City, Anabu 2F, Imus City, Cavite, Princess Joy Poras, 19,  ng B188, L13, P4, Paliparan 1 Dasmarinas, Cavite Jackielou Bernal, 38 , ng 4 Arcontica Village, Dasmariñas City, Cavite dahil sa umano’y pagdukot kay Sherwin Allen Legaspi, ng   B6, L20, Pioneer Ave., Villa Isabel, Burol Main, Dasmariñas City, at  Patricia Dante, 19, ng  B-GA, L15, San Lorenzo Ruiz, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PSSgt Mark Anthony Salvador, ng Imus City Police Station, dakong alas-4:00 Martes ng hapon nang nakatanggap ng tawag ang Imus CPS hinggil sa umano’y pagdukot sa mga biktima sa Barangay Anabu 1D, Imus City Cavite.

Agad namang nagresponde ang awtoridad kung saan naaresto ang mga suspek.

Ayon kay Sherwin, humihingi umano  ng halagang P40,000 si Ordonez  sa magulang nito kapalit ng kanyang paglaya.

Ayon din kay Patricia, nakatakas siya mula sa mga dumukot sa kanila habang ang mga ito ay tulog. Agad siyang nagsumbong  sa pinakamalapit na barangay na siyang nag-report sa pulisya at nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, 11 bala, isang kalibre 38 at 5 bala, 8 hinihinalang plastic sachet ng  pinatuyong marijuana , 3 sachet ng shabu, 9 na cellphones at drug paraphernalias.

Tumanggi naman si Salavador na magbigay ng  anumang detalye hinggil sa pagdukot sa seaman.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment