SARILING BAHAY SINUNOG NG ADIK

SUNOG by MIKE ROMERO

CAVITE – Sinunog ng isang umano’y drug addict ang kanyang sariling bahay nang mapraning dahil sa pagkalango sa ilegal na droga, sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Tanza Custodial Center ang suspek na si Rector Enriquez, binata, ng Bagong Pook, Brgy. Calibuyo, Tanza, makaraang ireklamo ng kanyang mga kapitbahay.

Sa ulat ni Corporal Nikko Paul Barranco ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang sunugin ng suspek ang kanyang bahay na yari sa light materials.

Dahil dito, naglabasan ang lahat ang kanyang mga kapitbahay, kabilang ang isang 74-anyos na si Lola Cirila dela Cruz, may asawa, bagama’t mahina na ang katawan, dahil sa matinding takot.

Ayon kay Barranco, mabilis namang naapula ng apoy kaya walang nadamay sa katabing mga bahay.

Tinangka ng suspek na tumakas habang nasusunog ang kanyang bahay ngunit agad siyang nadakip.

Sinampahan lamang ang suspek ng kasong alarm and scandal dahil walang nadamay na ibang bahay sa insidente. SIGFRED ADSUARA

Related posts

Leave a Comment