SARANGANI NIYANIG NG 3.8 MAGNITUDE LINDOL

LINDOL-2

NIYANIG ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Glan, Sarangani at naramdaman ito sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon sa Philvocs, dakong alas-8:54 ng umaga nang maitala ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan.

May lalim na 19 kilometro ang lindol ngunit walang inaasahan ang Phivolcs na magdudulot ito ng aftershocks at pinsala.

Naramdaman ang Intensity IV sa Glan, Sarangani; Intensity III sa Alabel at Malapatan, Sarangani, habang Intensity I sa General Santos City.

Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Alabel, Sarangani at Intensity I sa Tupi, South Cotabato. (JG TUMBADO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment