SANGGOL SA BALDE

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN)

TINATAYANG  nasa pito hanggang siyam na buwan na ang edad ng kawawang sanggol   na natagpuan sa isang balde sa palikuran sa loob ng isang subdivision sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Huwebes.

Ayon sa imbestigador, isang hindi nakilalang  babae na nakiusap lamang sa mga tanod sa subdivision na makigamit ng banyo ang siyang posibleng nag-iwan nito.

Ayon pa sa mga awtoridad,   “fully-developed” na ang sanggol na nakasilid sa isang puting balde  nang ito ay matagpuan sa comfort room ng subdivision sa Barangay San Rafael.

Maaari umanong premature na isinilang ang sanggol at  patay na  ito nang ilabas kaya nagpasya na lamang ang walang pusong magulang o kung sino mang kaanak nito na itapon na lamang ito sa nasabing lugar.

Dinala na sa isang funeral parlor ang labi ng sanggol samantalang nangangalap pa rin ng mga impormasyon ang mga awtoridad upang matunton ang nag-iwan dito.

Maaring makasuhan ng kasong infanticide ang mga magulang ng sanggol kung sakaling mahanap ito ng mga kinauukulan.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment