SANGGOL INILIBING SA TANGKE NG INIDORO NG OSPITAL

zambo123

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng tangke ng inidoro , kaninang umaga sa probinsya ng Zamboanga City.

Batay sa report ng pulisya, alas 8:00 ng umaga nang matagpuan ang sanggol na nakasabit pa ang umbilical cord na nasa tangke ng inidoro sa loob ng palikuran ng Doctor’s Hospital sa nasabing lungod.

Ayon sa utility worker ng ospital, naglilinis siya ng kubeta at ikakabit na sana nito ang hawakan ng toilet tank para sa paglabas ng tubig nang hindi ito gumana.

Tinignan niya ang loob ng tangke ng inidoro at bumulaga sa kanyang harapan ang bagong silang na sanggol at halos nangingitim na.

Agad naman ipinaalam sa pamunuan ng ospital ang pangyayari at inayos na muna sanggol para mabigyan ng maayos na libing.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung sino ang responsable at mga magulang ng sanggol para mapanagot.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na mapabilis ang imbestigasyon dahil posibleng mismong sa ospital iniluwal ang sanggol ng kanyang ina.

 

Related posts

Leave a Comment