ROAD RAGE NG 2 RIDER; 1 TEPOK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umubra ang yabang ng isang rider sa gitna ng kalsada makaraan pagsasaksakin ito sa dibdib ng kapwa rider na naalitan sa daan matapos umanong pagmumurahin ng una ang huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang namatay na si Nomer Icawalo, 35, at residente sa Barangay Tambuan, Malinao, Aklan.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Rico Berlandino, 18, ng Barangay Cabayugan, Malinao aklan.

Batay sa report ng Malinao Police Station, naganap ang insidente sa nasabing bayan nang magkasabay sa daan sina Icawalo at Berlandino sakay ng kanilang motorsiklo hanggang sa nagkatitigan ng masama.

Bigla na lamang umanong uminit ang ulo ng biktima at pinagsisigawan niya saka pinagmumura ang suspek na ikinagalit ni Berlandino kaya iniharang ang motorsiklo nito sa daanan ni Icawalo.

Bago pa man umangal ang biktima ay pinag-uundayan na ito ng saksak sa dibdib na agad niyang ikinamatay.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay agad din nadakip ng mga rumespondeng pulis sa ginawang follow-up operation.

Nakatakda naman sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek.

 

Related posts

Leave a Comment