RIDER PATAY SA SINALUBONG NA TRUCK

accident121

(NI BONG PAULO)

MAAGANG sinalubong ni kamatayan ang isang 21-anyos na drayber ng motorsiklo matapos na makasalpukan ang isang wing van truck sa road mishap na naganap sa sa Brgy. Ulamian, Libungan, North Cotabato, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Nick Kadil Bad, residente ng Supermarket Site, Cotabato City, habang kinilala naman ang drayber ng truck na si Randy Vilos Masil, 51, ng Taal 1, Bangkal, Davao City.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-10:40 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan galing sa direksiyon ng Cotabato City ang motorsiklo papunta ng Libungan nang masalpok nito ang isang multicab dahilan para mawalan ito ng kontrol hanggang sa bumangga sa isang Fuso wing van truck.

Tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo nito habang nagtamo ito ng matitinding pasa at sugat sa katawan na mabilis namang isinugod sa  Mount of Blessing Hospital, sa Brgy Poblacion, Libungan, Cotabato at kalaunan ay inilipat sa Cotabato Regional Medical Center, sa Cotabato City, pero dakong alas-11:45 ng gabi ay binawian ng buhay ang biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment