RIDER NA TEACHER PATAY SA GUTTER

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang pampublikong guro matapos sumadsad at bumangga sa konkretong gutter ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Sorsogon City, Linggo ng gabi.

Sa report ni P/Major Malou Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente bandang alas-8:30 sa Sitio Baribag, Brgy. Bibingcahan sa nasabing lungsod.

Hindi na umabot nang buhay sa Sorsogon Provincial Hospital, sa Sorsogon City ang biktimang si Noel Rodulfo Dolotallas, 50, public elementary teacher, residente ng Brgy. San Roque, Bacon District.

Pauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo na nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa kurbadang bahagi ng nabanggit na lugar dahilan para dumulas at mapunta  sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa konkretong gutter.

Dead on arrival ang nasawing guro sa Sorsogon Provincial Hospital, dahil sa lakas ng pagkakabangga batay sa deklarasyon ng sumuring doktor.

 

Related posts

Leave a Comment