RETIRADONG COLONEL TINODAS SA HARAP NG BAHAY 

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang retiradong koronel ng pulis matapos barilin ng salarin sa harap ng kanyang bahay sa Calamba City,  Laguna, Sabado ng umaga.

Batay sa report ng Calamba City police,  nakaupo sa harap ng bahay sa Barangay Turbina ang biktimang si Ret.  PCol.  Nulludin Ludin nang barilin ng ilang ulit ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Agad ding tumakas ang hindi nakilalang suspek  samantalang idineklara namang patay ang biktima bago idating ng ospital.

Ang dating opisyal ay naging deputy chief of police ng Calamba City bago ito nagretiro.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari samantalang ihahatid din kaagad sa huling hantungan ang biktima batay na rin sa tradisyon ng mga Muslim.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment