RESBAK NG MGA MISIS: 21 MISTER PINAHULI SA TUPADA 

sabong20

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG ang 21 lalaki sa ginawang operasyon ng pulis laban sa iligal na sabungan. Ang nagbigay ng tip – ang mga misis ng mga naaresto.

“Nagrereklamo na nga to’ng mga asa-asawa nila dahil nga kung minsan imbis na ibigay sa kanila yung pera, ginagamit lang sa sugal,” sinabi ni Police Colonel Jun Alamo ng Imus Philippine National Police (PNP)

Agad namang nagpunta ang mga nakasibilyang pulis ang sabungan na nasa Barangay Pasong Buaya, na nasa isang bakanteng lote na malayo sa sentro ng komunidad.

Nagtangka pang tumakas ng isa sa mga sabungero pero naabutan siya ng pulis.

Nakumpiska sa sabungan ang mga perang pang taya, tari, at ang mga manok na ginagamit sa pagsasabong.

Hindi nagbigay ng pahayag ang mga sabungero na kaagad naman nakalabas ng himpilan ng pulisya matapos magpiyansa.

“Eh sa mga tupada, sir, during weekends maliwanag po ang ating instructions diyan, lahat ng tupada magkaroon ng intensified police operations para maitigil na,” sabi ni Police colonel Marlon Santos ng Cavite PNP.

Idinagdag naman ni Alamo na kanilang napansin ang pagtaas ng ibang mga krimen tulad ng pagnanakaw dahil sa pagsusugal.

“Isa rin yan sa nagiging cause ng insidente ng holdapan, nakawan dahil nga para masuportahan mo ang bisyo mo sa pagsusugal,” ani Alamo

 

 

Related posts

Leave a Comment