RESBAK NG BIFF: OFF DUTY NA SUNDALO ITINUMBA

(NI BONG PAULO)

COTABATO CITY – Pinaniniwalaang resbak ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang panibagong pagpaslang sa isang sundalo nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Barangay Semba Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, nitong linggo ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Maguindanao police provincial director Sr. Supt. Ronald Briones na walang dalang armas si Corporal Sahelbasar Alaja, squad leader ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army nang mangyari ang pananambang sa Barangay Semba, ito dahil sa naka off duty ang sundaloo nang maganap ang insidente.

Batay sa ulat, naglalakad lamang ang biktima nang sundan ng riding in tandem na nakamotorsiklo at pinagbabaril.

Mabilis namang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Kaugnay rito ay nakikipag-ugnayan na ang Datu Odin Sinsuat police sa 6th Infantry Division para sa manhunt operation ng mga suspek.

Si Alaja ang ikaapat na sundalo na pinatay sa Maguindanao at Cotabato City mula noong nakaraang linggo.

Inamin naman ni Abu Misry Mama ang tagapagsalita ng Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na sila ang nasa likod ng pagpatay sa mga sundalo dahil umano sa sunod-sunod na opensiba ng mga sundalo sa kanilang pangkat sa Maguindanao.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment