PULIS, BOARD MEMBER, PATAY SA GUHO SA APAYAO 

(NI JG TUMBADO)

KAPWA nasawi ang isang pulis at provincial board member makaraang matabunan ng gumuhong lupa habang nasa loob ng bahay sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan sa bayan ng Kabugao sa Apayao, Huwebes ng gabi.

Sa report na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakitulog lamang umano ang mga biktima na sina Board member Tolentino Butch Cacho Mangalao at Police Corporal Romel Gumidam Jr.  matapos ang kanilang dinaluhang public consultation sa lugar.

“Initially, they are engaging in barangay consultation and then inabot sila doon ng malakas na ulan. Nagpahinga sila sa isang bahay and then yung bahay nila was hit by landslide,” pahayag ni Police Colonel Byron Tegui-in, ang Provincial Police Director ng Apayao.

Inilipad ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawa patungo sa bayan ng Calanasan mula Kabugao bago ihatid sa kani-kanilang pamilya.

Isa ang Apayao sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Quiel.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment