PUGANTE HINDI NAKATAKAS KAY KAMATAYAN, ISA PA NASAKOTE

PATAY-3

(Ni JESSE KABEL)

ISANG pugante mula sa Maguindanao District Jail ang nasawi habang isa pang kasamahan nito ang nasakote nang manlaban sa mga otoridad sa Cotabato.

Kinilala ng Cotabato Provincial Police Office ang napaslang na takas na si Thorag Sandalan Sabal alyas Erick Pasanggalan habang naaresto naman ang kanyang kasama na si Nasser Makabangen Usman.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nakasagupa ng pinag-sanib na puwersa ng pulis at Philippine Army ang mga suspek nang matunton ang kanilang pinagtataguan sa Brgy Olandang Midsayap North Cotabato.

Desidido umano si Sabal na hindi ito magpapahuli ng buhay kaya nanlaban ito hanggang sa mapaslang ng mga pulis at military habang nahuli naman si Usman.

Nabatid na si Sabal, ay kasama ng  anim na bilanggo naay tumakas sa Maguindanao Provincial Jail sa lungsod ng Cotabato noong Mayo 24, 2018.

Ito’y nahaharap sa mga kasong murder, illegal drugs at illegal possession of firearms.

Nakuha sa posisyon ni Sabal ang isang kalibre.45 na pistola habang .38 revolver naman kay Usman,mga bala,shabu at drug drug paraphernalia.

Agad kinuha ang bangkay ni Sabal ng kanyang pamilya habang nakapiit ngayon sa lock-up cell ng Midsayap PNP si Usman at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment