POLICEWOMAN NAGLAKO NG SHABU ARESTADO

shabucop

DAVAO City – Posibleng masibak sa trabaho ang isang policewoman makaraang maaktuhang nagbebenta ng umano’y shabu sa operasyon ng mga awtoridad dakong alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon kay Major Milgrace Driz, CIDG-XI deputy chief, dalawang buwan nilang isinailalim sa surveillance operation ang suspek na si Senior Master Sergeant Sheila Bande, 43, dalaga, residente ng Victoria Valley, Tigatto nitong lungsod.

Si Bande, nakadestino sa satellite office ng Philippine Bomb Data Center sa lungsod, ay nadakip sa kanyang bahay ng pinagsanib na pwersa ng Davao City Police Office, CIDG Davao City Field Unit, Sasa Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-XI.

“Yan ang resulta ng ating follow-up operation matapos maaresto ang limang suspek noong nakalipas na araw kung saan siya ang itinurong nagbebenta sa kanila ng shabu,” ani ni Driz.

Dagdag ng opisyal, mula sa mga probinsya ng Maguindanao at North Cotabato ang mga shabu na ibinebenta ng suspek.

Aabot sa P20,000 halaga ng umano’y shabu ang nakuha mula sa posisyon ng policewoman

“We will file the criminal case on Monday while the administrative case will depend to higher officials in Camp Crame,” ayon kay Driz. (DONDON DINOY)

Related posts

Leave a Comment