PNP OFFICIAL INAMBUS PAGLABAS NG HEADQUARTERS

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na salarin ang isang police official sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Police Lt. Ramil Gonzalez, sa ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay kay Police Major Dexter Domingo, deputy chief of police ng Calamba City, pinagbabaril si Gonzales ilang saglit nang makalabas ito ng Provincial Police Headquarters sa Camp Vicente Lim sa Barangay Mayapa makaraang dumalo ito sa Officer’s Basic Course training pasado alas 8:30 ng gabi ng Linggo.

Naisugod pa sa Global Care Hospital si Gonzales subalit binawian din ng buhay sa kalagitnaan ng operasyon.

Sinabi ni Domingo na may “person of interest” na sila kaugnay ng krimen subalit tumanggi na itong pangalanan habang nasa proseso pa sila ng imbestigasyon.

Inaalam din ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng paglikida sa police official.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment