PLANONG PAG-ATAKE NG TERORISTA NAUNSYAMI

NPA

(NI JG TUMBADO)

NAUNSYAMI ang planong paghahasik ng terorismo ng ISIS terror linked na Dawla Islamiyah (DI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilang mahahalagang pasilidad sa Central Mindanao makaraang madiskubre at masabat ang malalakas na uri ng pampasabog ng militar.

Narekober ng mga sundalo ang nasa labing dalawang ibat ibang home made explosive devices sa kalagitnaan ng surgical operations laban sa nabanggit na teroristang grupo sa bulubunduking bahagi ng Shariff Saydona Mustafa.

Ayon kay Major Gen. Diosdado Carreon, commander ng 6th Infantry Division at pinuno ng Joint Task Force Central (JTFC), kabilang sa mga nakumpiska ang mga Improvised Explosive Devices o IED, ibat iba rin na uri ng armas, at ilang mga bomb-making equipment.

Sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona, ay hiwalay na nakuha ang high powered armalite rifles na may mga bala, improvised bombs na yari sa hand grenade at nakakabit sa live 81 mm mortar at iba pang sangkap sa paggawa ng IED.

Sinabi ni Carreon na gagamitin umano sa pag atake sa ibat ibang lugar sa Maguindanao at ilan pang mga kalapit na lalawigan ang mga pampasabog.

Batay sa intelligence report, ang mga bomba ay gagamitin at ipakakalat sa mga lansangan ng Maguindanao at mga matataong lugar sa Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment