PINTOR BINURDAHAN NG SAKSAK

SAKSAK-4

BATANGAS City – Walang buhay nang matagpuan noong Martes ng umaga ang isang pintor makaraang tadtarin ng saksak ng hindi kilalang suspek sa lungsod na ito.

Bukod sa mga tama ng saksak, ginilitan pa sa leeg ang biktimang si Rommel Manalo, 50-anyos, residente ng Barangay  Sta. Rita Karsada.

Ayon sa report ng Batangas City police, natagpuan ng isang residente ang bangkay sa gilid ng maliit na daan patungo sa kanyang bahay bandang alas-7:00 ng umaga.

Posible umanong hinarang ng suspek ang biktima habang pauwi sa kanilang bahay noong Lunes ng gabi.

Huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa hindi natukoy na kalalakihan noong gabing yun.

Inaalam pa ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment