PICKUP VS PICKUP: 7 SUGATAN

(NI BONG PAULO)

PITO katao ang naiulat na nasugatan, kabilang na ang isang empleyado ng gobyerno, makaraang magsalpukan ang dalawang pickup sa pakurbadang daan ng Purok 11, Brgy. Poblacion, Makilala,  Cotabato, Lunes ng tanghali.

Kinilala ang mga sugatan na sina Mojahid Cosain Magayan, 39, government employee, na siya ring drayber ng Toyota pickup (A7N222); Anisa Macadato Magayan, 39-anyos; Noraima Gapor Sarip 32; Rainida Limgas Gapor, 24; Nassiba Mapandi Botawan, 49; Almira Ritone Gapor, 15, lahat ng Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato.

Habang ospital din ang bagsak ng drayber ng Nissan pickup calibre na Navara na si Ruel Aguilar Serrano, 76, ng Quezon Blvd, Kidapawan City.

Nangyari ang insidente alas-12:35 ng tanghali kung saan binabaybay ng isang Nissan Navara Calibre Pick-up  (F2K780) ang national highway galing Davao City papunta ng Kidapawan at pagdating sa nabanggit na lugar ay napadako ito sa kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang paparating na pickup mula sa kasalungat na direksiyon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment