PEKENG ABOGADO, CPA, KALABOSO SA CIDG

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO sa isang entrapment operation ang isang lalaki na nagpanggap na abogado at accountant ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao City Field Unit at Toril Police Station, Lunes ng umaga sa nasabing lalawigan.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Juvern Reyes Garcia, nang dakmain ng mga awtoridad sa aktong tinatanggap ang P42,000 marked money sa nagreklamong biktima na  si Juvy dela Pena, matapos siyang hingan umano ng suspek ng nasabing halaga bilang bayad sa  paglalakad ng petisyon for recognition foreign of judgement of divorce nito.

Sa ulat ng ipinadala ng CIDG Davao kay Police Brig General Joel Napoleon Coronel, CIDG Acting Director, dakong alas 8:45 ng umaga nang isagawa ang entrapment operation sa bahay ng suspek sa Kunisawa Apartment sa Durian St., Sitio San Roque, Daliao, Davao City.

Nagpanggap umano ang suspek na isang abogado at CPA at nangako na tutulungan ang biktima na ayusin ang mga kinakailangang dokumento para sa deborsyo.

Nakumpiska sa suspek ang pekeng Professional Regulatory Commission (PRC)  ID mula kay Garcia gayundin ang mga drug paraphernalia sa bahay ng suspek.

Nakapiit sa CIDG Davao City ang suspek habang sinampahan ito ng kaukulang kaso dahil sa ginawang krimen.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment