PASTOR PATAY SA AMBUSH

PATAY-3

NEGROS Occidental – Patay ang isang pastor ng Church of the Living God at kasalukuyang barangay kagawad sa kanilang lugar, makaraang pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Camindangan, Sipalay City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktimang si Pastor Lonie Lahao-Lahao, 54, ng  Brgy. Camindangan ng nasabing lungsod.

Batay sa Officer in Charge ng Sipalay City Police na si P/Lt. Col. Neceraro Sabando, habang sakay ng isang tricycle ang biktima kasama ang kanyang misis pauwi ng kanilang bahay nang harangin at ratratin sila ng mga suspek.

Dead on the spot ang pastor na pinaniniwalaang target ng pamamaril dahil sa kanya sumapol ang mga bala mula sa armas ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen. (NICK ECHEVARRIA)

 

 

 

Related posts

Leave a Comment