PASLIT NATUSTA SA 18-MINUTONG SUNOG

(NI ANNIE PINEDA)

SA loob lamang ng 18-minutong sunog, nalitson nang buhay ang isang batang lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Mon Harry Anhao, 5, ng Sitio Proper Agus, Barangay Agus, Cebu City.

Batay sa report ng pulisya, dakong 9:17 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa isang gymansuim sa likuran bahagi ng bahay ng pamilya Anhao.

Kuwento ng ama ng biktima na si Pedy Anhao, hindi niya agad naisalba ng anak dahil nagluluto ito sa isang karinderya sa lugar.

Mabilis naman rumesponde ang mga pamatay-sunog at naapula ang sunog bandang alas 9:35 ng umaga kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ng bata.

Sa insiyal na pagsisiyasat, lumabas na short circuit ang pinagmulan ng sunog mula sa nakasaksak na electric fan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment