PASAY MOST WANTED TIKLO SA LAGUNA

MOST WANTED

NASAKOTE sa kanyang pinaglulunggaan sa probinsya ang number 1 most wanted person ng Pasay City, noong Enero 6 makaraang inguso ng mga kapitbahay sa mga awtoridad.

Sa pagtutulungan ng Pasay City Police at ng Nagcarlan (Laguna) Police Station, tuluyang nadakip si Kristoffer Von Moraleja na wanted dahil sa kasong murder.

Si Kristoffer ay may warrant of arrest para sa kasong murder sa ilalim ng criminal case no. R-PSY-11-03639-CR, na ipinalabas ni Hon. Judge Tingaraan Guiling ng Pasay City Regional Trial  Court Branch 109.

Makaraang madakip noong Linggo ay inilipat si Moraleja  mula sa Nagcarlan Municipal Police Station patungo ng  custodial facility ng Station Detention Management Unit (SDMU) ng Pasay CPS.

Makaraan nito, ang Warrant and Subpoena Section ng Pasay CPS ay ibabalik ang Alias Warrant of Arrest sa RTC Branch 109 para mailabas ang Commitment Order para sa akusadong si Moraleja upang ilipat naman sa Pasay City-Bureau of Jail Management and Penology. (DAVE MEDINA)

Related posts

Leave a Comment