PARLORISTA PINATAY NG ‘BOY TOY’

BATO-2

PAMPANGA – Patay ang isang parlorista makaraang pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang menor de edad na kasintahan sa isang gasolinahan sa bayan ng San Fernando.

Kinilala ang biktimang si Domingo Atienza alyas “Ann,” 31, natagpuang basag ang mukha at ulo sa isang gasolinahan sa Brgy. San Agustin.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima ang duguang bato na hinihinalang ginamit sa pagpatay.

“Masakit talaga, anak ko ‘yung ganyan, ‘yung nangyari sa anak ko, mabait na mabait ‘yang anak ko, matulungin, siya na lang naghahanapbuhay sa amin,” sinabi ni Pili Atienza, ina ng biktima.

Agad namang inaresto ang suspek na si alyas “Gerald,” 16-anyos.

Sinasabing karelasyon ng biktima ang suspek na siyang huling nakasama ni Atienza noong Sabado ng gabi.

“We were able to arrest the suspek doon sa Angeles City public market (jumpcut), ang allegation kani-na nung suspek hindi raw siya gumagamit at during the time of the crime hindi rin siya nakainom that is just an allegation nung suspek pero ipapa-crime lab din namin yung suspek, ayon kay P/Lt. Col. Paul Ynigo, hepe ng San Fernando PNP.

Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen matapos siyang pangakuan ng biktima ng cellphone.

Aniya, natakot siya nang makita niyang nagbukas ng zipper ang biktima at sinabing huwag siyang sisi-gaw.

Bunsod nito, dumampot umano siya ng bato at ipinukpok sa ulo ng biktima.

Nang matiyak umano niyang patay na ang biktima ay kinuha niya ang cellphone nito at siya ay tumakas. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment