PANG-10, NAITALANG NAMATAY NA PRESO SA CAVITE

arrest

(NI SIGFRED ADSUARA)

 

MULI na namang nadagdagan ang bilang na namamatay ng preso nang may mamatay loob ng Bureau of Jail  Management and Penology (BJMP) sa Silang, Cavite  matapos mahirapang huminga.

 

Ayon  sa ulat ni SPO1 Glen Soriano ng Silang Municipal Police Station, dakong ala-1:00 kamakalawa ng madaling araw nang nakaramdam ng hirap sa paghinga si Jerry Rolloque, binata,  habang nakakulong sa Custodial Facility sa loob ng Bureau  of Jail Management and Penology (BJMP)  sa Brgy Narra 1, Silang, Cavite kaya isinugod sa CARSIGMA Hospital  sa Silang, Cavite subalit dakong ala-1:16 ng madaling araw nang ideklara itong patay.

 

Inaresto at ikinulong si Rolloque dahil sa kasong paglabag sa Art 13, 14 at 15 ng RA 9165.

 

Nito lamang Huwebes, namatay  habang nakakulong sa Dasmarinas Custodial Center si Frederick Loveres, 38, ng South 1, San Marino, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite matapos ding nakaramdam ng hirap sa paghinga.

Si Rolloque ang pag-10 sa naitalang namatay ng preso mula Enero kung saan apat dito ay mula sa Dasmarinas City Jail, apat din sa Bacoor City  Jail  at isa sa Imus City Jail.

Related posts

Leave a Comment