PANDAY KRITIKAL SA GUNTING NG BARBERO 

crime600

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang panday makaraan saksakin ito ng gunting ng barbero nang magkrus ang kanilang landas dahil sa matagal na nilang alitan, kaninang madaling-araw sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Arnel Fajader, 45, ng Brgy Consolacion, Dumalag.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Garson Nobleza, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Dumalag Municipal Police Station, dakong ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes nang maganap ang insidente sa Brgy. San Rafael sa bayan ng Dumalag.

Lumabas sa imbestigasyon, may sayawan na nagaganap sa nasabing bayan at parehong nagtungo ang dalawa nang magkita ang mga ito ay naungkat ang kanilang dating away.

Kinuha ng suspek ang dala ang nitong gunting at pinagsasaksak ang biktima sa dibdib at tiyan .

Agad naman dinala ang biktima sa ospital at hanggang ngayon ay patuloy na inooberbahan.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

 

Related posts

Leave a Comment