PANAKOT NA BARIL PUMUTOK, KAGAWAD KRITIKAL

BARIL-9.jpg

LAGUNA – Malubhang nasugatan ang isang barangay kagawad makaraang pumutok ang baril na itinutok sa kanyang ulo bilang panakot habang nag-aaway silang mag-asawa sa kanilang bahay sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Isang bala ng .45 kalibreng baril ang bumaon sa ulo ng biktimang si James Paul Dinulos, 41, residente at kagawad ng  Brgy. Paciano Rizal.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang misis niyang si Leah Dinulos sa kanilang kuwarto  na humantong sa pagkuha ng biktima sa kanyang nakatagong baril.

Ayon sa misis, palagi nang ginagawa ng biktima na magtutok ang baril sa ulo at nagbabantang magpapakamatay kapag sila ay nag-aaway.

Ayon naman kay P/Cpl. Zidney Divina Manglo, imbestigador sa kaso, posibleng inakala ng biktima  na hindi puputok ang ipinapanakot na baril dahil wala itong magazine.

Ngunit maaari umanong may naiwang naka-load na dito.

Pinakawalan ng mga imbestigador ang misis matapos ang ilang oras na pagkustodiya para sa imbestigasyon.

Patuloy na isinasailalim sa operasyon ang biktima sa Calamba Doctor’s Hospital. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment