P7 M SHABU NASAKOTE, 3 SUSPEK ARESTADO

SHABU-2

(Ni NICK ECHEVARRIA)

HALOS P7 milyong halaga ng mga hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa Bacolod City, Biyernes ng madaling araw.

Nabatid sa paunang ulat ng Bacolod City Police Office na umaabot sa P6.8 Million ng shabu umano ang nasabat ng kanilang mga tauhan sa nasabing anti-drug operation sa South Capitol Road, Brgy. 9, sa nasabing lungsod bandang alas-2:30.

Ayon kay P/Lt.Col. Joem Javier, spokesperson  ng Police Regional Office (PRO)6,nadakip din sa nasabing operasyon ang tatlong suspek ng nakilalang sina Ronaldo Roquero, Acyn Dwight Cuadra at Gerline Yabut na nakumpiskahan ng 10 pakete ng shabu na tumitimbang ng isang kilo.

Nasa kustodiya ngayon ng Bacolod City Police ang tatlong nadakip na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment