P5-M SHABU NASABAT SA CAVITE

shabu432

CAVITE – Mahigit P5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska sa 11 katao, kabilang ang limang babae, sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa loob ng 24-oras sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article 2 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong mga suspek na sina Joey Evangelista, 37; Irene Legaspi, 29; Mercelito Gonzaga, 30; Bruno Montibon, 36; Alma Sumague, 26; Roger Calinisan, 40; Ramona Punyong, 31;  Aisa Juiamalo, 58; Bainot Saidali, 40; Nasser Makalpal, 38, at Baebon Mohammad, 25-anyos.

Sa ulat ni SMsgt. Christian Rosales ng Bacoor City Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-2:00 noong Lunes ng hapon hanggang alas-3:20 nitong Martes ng madaling araw, ng mga elemento ng Station  Drug Enforcement Unit sa Brgy. San Nicolas, Brgy. Molino 4 at Brgy. Molino 3, pawang sa Bacoor City.

Sa kabuuan, tinatayang P5,956.680 halaga ang nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa mga suspek sa magkakahiwalay na mga  operasyon.

Ang mga suspek ay kasalukuang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (SIGFRED  ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment